| ang panaghoy |
[Aug. 18th, 2007|06:36 pm] |
| [ | Current Mood |
| | tired | ] | Napapagod nako. *sigh* |
|
|
| ang dahilan sa likod ng isdang pangalan |
[Jan. 20th, 2007|06:51 pm] |
| [ | Current Mood |
| | high | ] | may utang pa ako kay erin na kwento. tama. bakit isda ang gusto kong indigenous name.
eh kase..
..maganda ang tunog niya. yun lang. ang totoo kasi, wala naman talagang malalim na dahilan. ganun lang yun kasimple.
teka..
siguro nga ay merong malalim na dahilan pero sa ngayon, hindi ko pa siya nalalaman sapagkat hindi pa siya nagsu-surface mula sa aking unconscious mind.
di ba?
hindi ko basta-basta maiisip ang isda kung wala talagang panghuhugutan. sa lahat ng hayop, ba't isda pa? pwede namang tutubi.
sandali..
gusto ko din palang maging indigineous name ang tutubi. ^__^
pero sige..
kung gusto niyo ng mas maayos na pagpapaliwanag, ibibigay ko na ang minsa'y naisip kong rason tungkol dito. mula sa isang masinsinang pagmumuni-muni, napag-isip-isip ko na..
minsan pala..
ay nangangamoy-dagat ako.
ito ay ayon sa aking sariling pang-amoy kaya walang kokontra. bleh. pero kung naamoy niyo din akong amoy-dagat minsan, lapitan niyo lang ako.
magkwentuhan tayo.^__^ |
|
|
| ang mga mumunting aral |
[Jan. 20th, 2007|06:38 pm] |
| [ | Current Mood |
| | content | ] |
mga mumunting aral na napupulot ko sa mga pinapasukan kong klase:
sa BIO.
"Hindi porket maliit ang leaf ay leaflet na siya." -Maam Rodriguez.
honga. sino bang may sabi na kapag maliit ang isang bagay ay dapat siyang may suffix na let? HA?? kung gayon ang mangyayari, dapat ang presidente natin ngayon ay si glorialet. dapat lang. dapat talaga.
sa ANTHRO.
"Mabuting nakakaramdam tayo ng pain. isang bata sa ibang bansa ang nakakakain ng labi niya dahil hindi siya nasasaktan." -Maam Castillo.
ewwww. -___-'
sa PSYCH.
"Hindi ako nandito para turuan lang kayo. kung nawawalan kayo ng motivation, lapitin niyo ako para mabigyan kayo ng matinding palo sa pwet." -Maam Conaco.
yehees. ang tamis talaga ni maam. ^__^
|
|
|
| ang kine-crave ko ngayon |
[Jan. 20th, 2007|06:18 pm] |
| [ | Current Mood |
| | hungry | ] | gusto ko ng alimasag!
ilang araw nakong naghahanap nito pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nailalagay sa aking sikmura para maging bahagi ng aking sistema.
noong bingonanza ng PsychSoc, tinawanan ako ni Maggie Mae habang bumibili kami ng cake ni Roger Paul na may birthday nung araw na 'yun. pano ba naman, nakita niya kung paano ako maglaway at tumitig sa sushi na may crabstick sa loob ng isang glass container sa may counter. waaaah! gusto ko na sana siyang bilhin pero hindi yun magiging sapat dahil kakapirasong bahagi lang ng alimasag ang kasama sa sushi!
at ayaw kong mabitin. dahil 'pag nabibitin ako, kaya kong pumatay ng ipis.
kung sino mang makakabasa nito, maaari niyo ba akong regaluhan ng alimasag? sasambahin ko kayo habambuhay. hehe.
shet. daig ko pa ang naglilihi. |
|
|
| ang mga kahilingang hindi pa natutupad |
[Dec. 23rd, 2006|04:28 pm] |
| [ | Current Mood |
| | sleepy | ] | ito ang mga nasa wish list ko.
1. bagong gitara 2. brownies (na walang mani) 3. singing at acting career 4. date, buong araw na malling sa Megamall (na hindi ko pa napupuntahan EVER) 5. pamasahe pauwing la union 6. pamasahe pabalik ng maynila 'pag nakauwi ako ng la union 7. kotseng kuba na purple 8. album ng mojofly 9. FRIENDS (lahat ng season) 10. pet na lumalangoy 11. cellphone na kapresyo ng mansyon ni manny 12. world peace.
|
|
|
| ang gusto kong indigenous name |
[Dec. 3rd, 2006|08:24 pm] |
| [ | Current Mood |
| | amused | ] | napaisip ako sa entry ni erin tungkol sa indigenous names.
at ang gusto kong indigenous name ay..
ISDA. |
|
|
| ang.. *puke* |
[Dec. 3rd, 2006|07:56 pm] |
| [ | Current Mood |
| | nauseated | ] |
nasusuka na ako sa dami ng requirements. -__- |
|
|
| ang kuto |
[Nov. 12th, 2006|09:28 pm] |
| [ | Current Mood |
| | accomplished | ] | yey! nagdaan na ang unang linggo ng pagbabalik-eskwela.
pero sa susunod na lang ako magkwekwento dahil inaantok na ako.--, nagparamdam lang ulet.
PS. Natuwa ako sa kuto na ineksamen ko gamit ang microscope sa bio 11 lab namin nung biyernes. kinuwento ko ito kay AJ na nakatambay noon sa lobby ng IB at sabi niya..
AJ: Pediculus capitis. Ako: Ha? AJ: Yun yung scientific name niya.
Owwkei.^__^ |
|
|
| ang pagtatapos ng sem |
[Oct. 17th, 2006|02:26 pm] |
| [ | Current Mood |
| | relieved | ] |
dalawa at kalahating oras na tulog.
magaling. unti-unti ko nang nasasanay ang aking sarili na huwag matulog. konti na lang.. malapit ko nang maranasan na maging mulat sa isang buong araw. konti pang papers. dagdagan pa ng finals. isabay na din ang reports. at sa tulong din ng kapeng barako (o kaya nescafe. ayos na din ang nescafe.) hindi ko na kakailanganin pa ang magkaroon ng isang kama. hinde. teka. sa ngayon, hindi ko nga nahihigaan masiyado ang aking kama pero nagagamit naman ito bilang.. - tambakan ng mga gamit ko sa eskwela
- pansamantalang higaan ng iba pang mga elemento sa bahay
- pamalantsahan ni lola ng mga gusot niyang damit
- lamesa ng mga pinsan kong gustong maglaro ng tong-its
- arena para din sa kanila na madalas gustong makipag-wrestling
may silbi pa rin pala siya kahit papaano.
* * *
tapos na ang semestreng ito para sa akin! nabunutan ako ng isang malaking pako sa lalamunan. yey!
sa mga nakakakilala sa akin, turuan niyo na ako kung paano magpakasaya ulit. parteh na ito!--. masyado akong naabuso ng nagdaang finals week kaya nakalimutan ko na kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng social life. *kuha ng dictionary* ahhh. ok.
* * *
pupunta dito sa manila si marshie para makigulo.--, sana madala niya ang simoy ng pine trees. oh kaya ang simoy ng strawberries. oh kaya ang simoy ng mga kabayo sa mines view. shet. mas lalo ko pa tuloy inaaasam ngayon na makauwi na agad ng la union para makaakyat ng baguio. pero sa ngayon, wala pa ring kasiguraduhan kung saan ako mapapadpad sa bakasyon. may plano ang tatay ko na pumunta kami sa mindoro para sa isang 50th wedding anniversary. hayy.
mapasaan pa man, psychsoc, buhayin niyo pa rin ako pagkatapos ng culmi para mapadpad ako kung saan man ako dapat mapadpad ngayong bakasyon.--, |
|
|
| ang script |
[Oct. 13th, 2006|03:28 pm] |
| [ | Current Mood |
| | bouncy | ] |
ilang taon ko na din 'tong hindi narinig. at kinilig ako. miyerkules ng gabi. sa departamento ng heograpiya.
Riki: JE, ang ganda ng script. i love it. Ako: (pasimple) Oh, talaga?
woohoo! *cartwheel* magshishift na'ko sa BA SCRIPTWRITING.--, |
|
|
| ang pag-ibig kong ito |
[Oct. 7th, 2006|04:16 pm] |
| [ | Current Mood |
| | giggly | ] |
| [ | Current Music |
| | total eclipse of the heart | ] |
yay. aminado ako na ang baduy ng pamagat ng entry na ito pero wala akong magagawa lalo pa't total eclipse of the heart ang kantang napapakinggan ko ngayon. ayaw ko man pero SENTI ang drama ko ngayong gabi. -__-'
napapansin ko lang, unti-unti nang nagkakaroon ng mga significant other ang mga tao sa paligid ko. ako kaya, kailan magkakaroon? *buntong hininga*
sabi ni marshie, humanap na daw ako ng gurlpren. sabi naman ng iba, kusa silang dumadating sa buhay mo kaya maghintay lang (asus). ANG KOMPLIKADO NAMAN. pang-asar.
pero ayos lang. sino bang nagmamadali.--,
pero kung sino ka man, sana 'wag kang maligaw. haha. sige habang wala ka pa, dito muna ako maghihintay. at magbabasa ng mga readings.
"..batang bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo." |
|
|
| ang inabot kong kamalasan |
[Oct. 6th, 2006|08:08 pm] |
| [ | Current Mood |
| | sleepy | ] |
lunes. umaga.
nalungkot ako ng makita ko ang sandamakmak na dahon na nagkalat sa kalsada. maliban pa dun, marami ring mga sanga ang naputol at mga puno ang natumba sa lupa. kakaiba talaga ang itsura ng UP nang araw na 'yun. biglang naging taglagas sa pinas. haha.
ok ok. ang bagay na ito ay HINDI nakakatuwa.
hindi lang pala mga dahon ang nalagas 'nun. pati mga billboards sa EDSA. lupet. gusto kong umiyak para sa lahat ng nadamay na halaman sa bagyo. hindi ba kayo naantig sa nangyari sa kanila? *buntong hininga* pero para sa mga nalagas na billboards, di bale na. sino ba kasing matutuwa sa hubad na katawan ni ANDREW WOLF na nakalantad sa north EDSA? pakiusap. 'wag niyo na 'yung ibalik muli.
* * *
lunes. hapon.
maagang natapos ang klase ko pero bigla kong naramdaman na hindi ko pa trip umuwi sa bahay kaya nag-isip ako saglit.
malipas ang isang oras na pananatili sa tambayan ng psychsoc, napagdesisyunan kong magliwaliw muna sa cyberspace. pero hindi ko naisip na ang desisyon kong iyon ang SOBRANG magpapaantala sa aking pag-uwi. paglabas ko sa shopping center, napamura ako ng makita ang malakas na pagbuhos ng ulan (at mga alas-siyete na yun ng gabi.)
pucha.
kaagad kong binuksan ang aking bag para dukutin ang aking payong... pero mga tiket lang ng bus ang nakuha ko mula sa kailaliman ng aking bag.
pucha ulet.
tinext ko si marshie para ibida ang nangyari. sumagot naman siya agad at ang sabi niya,
"bleh."
ok. nabuhayan ako ng dugo. ng mga oras na iyon, gusto ko siyang sakalin.--,
* * *
lunes. gabi.
akala ko hindi na titila ang ulan ng gabing iyon. sinuong ko kaagad ang ulan nang bahagya siyang humina at dumiretso ako sa pinakamalapit na hintayan ng jeep.
pagdating ko sa SM North (mga alas-otso), huminto na ang ulan. pero nawindang ako pagkakita sa dami ng taong nag-aabang ng bus para makauwi. mahigpit na kompetisyon ito. lahat sila nagkukumpulan na halos sa gitna ng highway. naisipan kong makigulo. kung maaari, sasalubungin ko talaga ang mga dumadating na sasakyan para sila huminto at pasakayin ako. pero hindi iyon pwede. dahil walang dumadating para salubungin ko. shet.
sumisigaw na si manong MMDA pero wala nang nakikinig sa kanya.
pasensya na manong. hindi mo ito gabi. at lalong hindi din sa 'kin. malas na buhay ito. |
|
|
| ang mainit na kape |
[Sep. 30th, 2006|05:50 pm] |
| [ | Current Mood |
| | numb | ] | nasiyahan ako sa init ng sikat ng araw na gumising sa'kin kaninang umaga.
pero hindi sa isang tasang kape na bumungad sa'kin. nakasanayan ko ng uminom nito tuwing umaga at tuwing kelangan kong magpuyat para sa isang pesteng exam.
AT ISINUSUKA KO NA SIYA.
kape na ang nananalaytay sa'king mga ugat. pero hindi ko ito maiiwasan lalo na't wala kaming ibang pwedeng mainom dito sa bahay (maliban na lang kung gusto ko ng malamig na tubig o kaya ng isang basong Anlene ni lola para sa agahan). buti na lang may mainit na pandesal. swak na swak talaga ang dalawa. nyamnyam.
buti na lang at umaraw. muli kong naalala ang mga damit kong pilit kong isiniksik sa aking maleta para hindi mahalata ng mga matatanda na dalawang linggo na'kong nag-iimbak ng aking mga maruruming damit. nakapaglaba na rin ako sa wakas kanina. yey. pero hindi ko alam kung naaamoy pa rin nila ang mga iyon mula ng itago ko sila sa maleta. nagkasipon kasi ako mula ng uminom ako ng shake.
at hanggang ngayon wala pa rin akong maamoy. |
|
|
| ang mabahong amoy |
[Sep. 27th, 2006|04:15 pm] |
| [ | Current Mood |
| | amused | ] | naaaliw ako sa tunog ng ulan na tumatama sa bubungan ng bahay.
dapat maglalaba ako ngayon pero mukhang hindi na sisikat ang araw para sa linggong 'to. tsk tsk. sandamakmak na naman ang mga marurumi kong mga abubot sa madumihan. nangangamoy na sila. naririnig ko na ang sigaw ni lola mula sa kwarto. haha. naaamoy na niya din ata ang mga 'yon (pero ang alam ko mahina na ang pang-amoy niya eh). himala ang nagagawa ng marurumi kong damit.
buti na lang umulan. nagkaroon tuloy ako ng oras para atupagin ang pesteng lj na 'to. ansaya. *cartwheel*
naisip ko si marshie. itetext ko na siya tungkol dito. ayan na.. ayan na.. message sending failed.
oh sige. saka na nga lang. gagawa na lang ako ng.. shake. tama.^__^
kahit umuulan. di bale ng magkasipon. haha. matagal pa naman ang finals.
para saken. |
|
|